Agusan del Sur niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Agusan Del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 17 kilometers southwest ng bayan ng Loreto, 3:03 ng madaling araw ng Martes, May 7.
May lalim na 2 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Loreto, Agusan Del Sur.
Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng aftershocks. (DDC)