Pang. Marcos umaasang maibabalik sa lalong madaling panahon ang lumang school calendar
Aprubado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang ibalik sa lumang school calendar ang pasok ng mga estudyante sa bansa.
Sa ambush interview sa Pasay City, umaasa si Pangulong Marcos na maipatutupad na ang lumang school calendar sa susunod na taon.
“Hopefully by next year, yes, matatapos na,” pahayag ni Pangulong Marcos sa tanong kung pabor na ibalik sa lumang school calendar.
Sa ngayon, nasa buwan ng Hunyo at Hulyo ang bakasyon ng mga estudyante.
Balak na ibalik ng Department of Education sa buwan ng Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante.
Ilang eskwelehan na ang nagkansela ng klase dahil sa sobrang init ng panahon dulot ng El Niño. (DDC)