Cedric Lee, Deniece Cornejo at 2 iba pa, guilty sa kasong isinampa ng actor-host na si Vhong Navarro sa Taguig RTC
Habambuhay na pagkakakulong ang iginawad ng Taguig City Regional Trial Court laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawa pa dahil guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng actor-host na si Vhong Navarro.
Matatandaan na ang businessman na si Cedric Lee ang unang tumestigo sa hearing ng petition for bail ni Vhong Navarro, na inakusahan ng panggagahasa sa model na si Deniece Cornejo.
Noong 2018 sina Lee at Cornejo ay nahatulan ng korte na guilty sa kasong grave coercion dahil sa pambubugbog, pananakot, at pangingikil ng pera kay Vhong Navarro.
Umabot sa sampung taon ang naging imbestigasyon at ngayon nga ay naglabas na ng resulta ang Taguig RTC hinggil sa kaso.
Bukod sa hatol pinagbabayad ng korte ang mga akusado ng P300,000 na danyos.
Samantala, hindi naman nakadalo sa korte ang actor-host nang ilabas ang hatol laban sa mga akusado.
Hindi rin sumipot sa pagbasa ng sakdal ng hukuman ang akusadong si Lee. (Bhelle Gamboa)