Biktima ng human trafficking nailigtas sa Davao City

Biktima ng human trafficking nailigtas sa Davao City

Isang babaeng biktima ng human trafficking ang nailigtas ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Davao International Airport.

Ang nasabing biktima ay tinangkang palabasin ng bansa lulan ng Scoot Airlines flight patungong Singapore.

Ayon sa biktimang si Alyas Nina, bibiyahe siya sa Singapore bilang turista pero kalaunan ay inamin nito na siya ay magtatrabaho bilang household service worker sa United Arab Emirates.

Binanggit din nito na ang kasama niyang lalaki na siyang nagturo sa kaniya ng mga sasabihin sa immigration para siya ay makaalis.

Inamin din ng naturang lalaki na dati na siyang nakapag-escort ng isa pang babaeng biktima ng human trafficking patungong Singapore at kalaunan ay pinapunta sa Thailand.

Kaugnay nito ay nagbabala si BI Commissioner Norman Tansingco sa publiko sa nasabing modus.

Ayon kay Tansingco, na kapagnagkaroon ng problema, mahirap para sa gobyerno na tulungan ang mga Pinoy na umaalis sa bansa ng ilegal dahil wala silang rekord sa pamahalaan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *