P3.5M na halaga ng marijuana at cannabis oil nakumpiska sa kargamentong galing US at Canada

P3.5M na halaga ng marijuana at cannabis oil nakumpiska sa kargamentong galing US at Canada

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau od Customs (BOC)-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mahigit 2,500 na gramo ng marijuana at 70 pirasong vape pens na naglalaman ng cannabis oil.

Ang mga ilegal na droga ay natuklasan sa parcels na idineklara na naglalaman ng car seat cover, coffee mugs, at mga libro.

Gayunman, nang isailalim sa X-ray at K9 inspection, natuklasan ang mga ilegal na droga sa loob ng parcels kaya agad nagsagawa ng sa mga ito.

Ayon sa BOC, kabuuang P3,554,600 ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.

Sa laboratory testing na ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nakumpirma na Marijuana at cannabis oil nga ang laman ng mga parcel.

Mahaharap ang consignees ng mga parcel sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *