Price freeze sa LPG at kerosene sa Basilan at Maguindanao del Sur ipinaalala ng DOE
Ipinaalala ng Department of Energy (DOE) ang pag-iral ng price freeze sa lalawigan ng Maguindanao del Sur at Basilan dahil sa pagdedeklara ng state of calamity (SOC).
Ayon sa DOE, nagdeklara ng state of calamity sa dalawang lalawigan dahil sa epekto ng El NiƱo Phenomenon.
Dahil dito, sinabi ng DOE na iiral ang price freeze para sa household Liquefied Petroleum Gas (LPG) na 11kg cylinder at pababa at maging sa kerosene products.
Maaari lamang gumalaw ang presyo ng nasabing mga produkto kung rollback ang ipatutupad ng mga kumpanya. (DDC)