Private concessionaire na namamahala sa paradahan sa NAIA T3 sasagutin ang gastusin sa nasunog na mga sasakyan

Private concessionaire na namamahala sa paradahan sa NAIA T3 sasagutin ang gastusin sa nasunog na mga sasakyan

Nangako ang private concessionaire na namamahala sa open parking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na sasagutin nito ang gastusin sa mga napinsalang sasakyan sa nangyaring ‘grass fire’ sa lugar na sanhi ng matinding init ng panahon nitong April 22.

Nakikipagtulungan na umano ang Philippine Skylanders International (PSI) sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Manila International Airport Authority (MIAA) na kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng otoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala sa 19 na sasakyan na nakaparada sa naturang open parking ng NAIA T3.

Iginiit naman ng PSI na hindi ibig sabihin na sila ang sasagot sa gastusin sa mga natupok na sasakyan ay aakuin na nila ang kasalanan o kapabayaan sa pangyayari.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang PSI sa mga may-ari ng sasakyan para sa iba pang detalye at tulong upang agad na maipaabot ito sa lalong madaling panahon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *