500 pang PDLs mula sa Bilibid inilipat sa piitan sa Zamboanga City

500 pang PDLs mula sa Bilibid inilipat sa piitan sa Zamboanga City

Inilipat sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City ang panibagong batch ng 500 na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Linggo.

Ito ay bahagi pa rin sa decongestion program ng Bureau of Corrections (BuCor) bilang paghahanda sa pagsasara ng NBP sa darating na 2028.

Ayon kay Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na aabot na sa 3993 ang bilang ng PDLS na inilipat sa labas ng Metro Manila simula noong Enero 2024.

Sa naturang bilang, 999 rito ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan, 1,000 iba pa sa Davao Prison and Penal Farm, 1,000 sa San Ramon Prison and Penal Farm, 546 sa Sablayan Prison and Penal Farm at 448 naman sa Leyte Prison and Penal Farm.

“Continuous and ating pag transfer ng PDLs first as part of our decongestion, second to augment the workforce needs of penal farm in agricultural project and third as part of our preparation for the closure of NBP by 2028,” sabi ni Catapang.

Sa patnubay ni Justice Secretary Crispin Remulla, sinabi ni Catapang na target na gawing government center, open park at iba pang paggamitan ang 350 na ektaryang lupa ng Bucor sa Muntinlupa City. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *