Graphic Health Warnings sa mga Vape Products ipatutupad na sa susunod na buwan
Ipatutupad na simula sa Mayo 12, 2024 aang paglalagay ng Graphic Health Warnings (GHWs) para sa Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products, at Novel Tobacco Products.
Sa ilalim ito ng DOH AO 2022-0047.
Batay sa RA No. 11900 o Vape Law ang mga parusa sa mga lalabag sa batas ay ang mga sumusunod:
Para sa mga gumagawa, nag-aangkat, distribyutor, o nagbebenta papatawan ng multang dalawang milyong piso hanggang limang milyong piso, pagkakakulong ng hindi hihigit sa anim na taon, pagpapawalang-bisa o pagkansela sa mga permit at lisensya, agarang pagpapabalik, pagbabawal, o pagkumpiska ng mga produkto sa pangunguna ng BIR at deportasyon ng nagkasalang dayuhan.
Ang mga makikitang paglabag ay maaaring i-report sa Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng consumercare@dti.gov.ph. (DDC)