Pang. Marcos at First Lady Liza, nag-enjoy sa pagkain ng Jollibee

Pang. Marcos at First Lady Liza, nag-enjoy sa pagkain ng Jollibee

Simple pero romantic ang naging weekend nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos.

Sa Facebook post ni Pangulong Marcos, makikitang nag-enjoy ang first couple sa pagkain ng Jollibee.

Fried chicken, hamburger at palabok ang pinagsaluhan nina Pangulong Marcos at First Lady Liza.

Ayon kay Pangulong Marcos, naging inspirasyon niya ang pagkain ng mga produkto ng Jollibee matapos bisitahin ang isa sa mga branch nito ni New Zealand Prime Minister Christopher Luxon.

“The recent stop of PM Luxon of New Zealand to Jollibee reminded me how long its been since we’ve eaten there so . . . the FL Liza and I are having a delicious Jollibee dinner tonight,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Aminado naman si Pangulong Marcos na hindi naging masaya ang kanyang nutritionist.

Matatandaang kamakailan lamang ipinagdiwang ng firsy couple ang ika-31 wedding anniversary. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *