15 lugar makararanas ng ‘danger level’ na heat index ngayong araw

15 lugar makararanas ng ‘danger level’ na heat index ngayong araw

Mas maraming lugar pa ang makararanas ng mainit na panahon ngayong araw, Apr. 22, 2024.

Ayon sa forecast ng PAGASA sa highest heat index na maaaring maitala ngayong araw, labinglimang lugar ang posibleng makaranas ng danger level na heat index.

Sa Pili, Camarines Sur maaaring makapagtala ng 45 degrees Celsius heat index.

44 degrees Celsius heat index naman ang posibleng maitala sa Infanta, Quezon; Puerto Princesa City in Palawan; at Aborlan, Palawan.

Habang 43 degrees Celsius heat index ang inaasahan sa Dagupan City, Pangasinan; Aparri, Cagayan; Legazpi City, Albay; Virac, Catanduanes; Masbate City, at Guiuan, Eastern Samar.

Kahapon araw ng Linggo (Apr. 21) labingisang lugar sa bansa ang nakapagtala ng danger level na heat index. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *