MRT-3 may handog na libreng sakay para sa mga solo parent

MRT-3 may handog na libreng sakay para sa mga solo parent

Bilang pagdiriwang ng Solo Parents’ Day, may handog na Libreng Sakay ang MRT-3 para sa mga single parent sa darating na Abril 20.

Ipatutupad ang Libreng Sakay sa peak hours ng operasyon ng linya, mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at 5:00 pm hanggang 7:00 pm sa nasabing araw.

Kinakailangan lamang magpakita ng valid solo parent’s ID sa stations personnel para sa Libreng Sakay.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, kinikilala ng MRT-3 ang sakripisyo ng mga solo parent upang maitaguyod ang kanilang mga anak. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *