Dalawang araw na transport strike ng Manibela at Piston, hindi nagtagumpay ayon sa DOTr
Hindi nagtagumpay ang dalawang araw na tigil-pasada na ikinasa ng transport groups na Manibela at Piston.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, nagdulot lamang ng traffic sa ilang lugar sa Metro Manila ang ikinasang tigil pasada.
Sinabi ni Bautista na naging handa ang gobyerno para tugunan ang magiging abala na idudulot ng dalawang araw na strke.
Ayon sa DOTr cheief, titignan ng Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) ang footages ng mga ginawang pang-aabala sa traffic ng mga nagprotesta para matukoy ang kanilang pananagutan.
Bagaman mayroon aniyang karapatan ang mga ito na ilahad ang kanilang mga hinaing ay hindi naman dapat maabala ang mga mananakay at mga motorista. (DDC)