Drug den nabuwag sa Taguig; 4 na suspek arestado

Drug den nabuwag sa Taguig; 4 na suspek arestado

Nabuwag ng otoridad ang isang drug den at naaresto ang apat na suspek sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Barangay Palingon Tipas, Taguig City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina alyas June (HVI-pusher), 52-anyos, alyas Michael (SLI-user), 42-anyos, painter; alyas Joy (SLI-user), 44-anyos vegetable vendor; at alyas Maribel (SLI-user), 44-anyos, years seamstress.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Southern Police District- DEU, DID, DMFB, PDEA-SDO, at Taguig City Police Sub-station 5 kung saan nadiskubre ang sinasabing drug den sa lugar at nakumpiska ang tinatayang 40 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱272,000, buy-bust money, isang .38 revolver at dalawang bala ng naturang baril.

Dinala ang narekober na ebidensiya sa SPD Forensic Unit upang suriin habang inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *