Opisina at barracks ng inter-agency sa Bilibid pinasinayaan
Pormal na binuksan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang opisina at barracks ng inter-agency collaborative groups upang bigyang-daan ang sabay-sabay na anti-illegal drug campaign sa loob at labas ng state prison and penal farms sa bansa.
“We are all set now to work together with the common goal of solving illicit drug activities and financially disabled those behind it and paralyzed them from further engaging in the trafficking of illegal drugs,” sa BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.
Ayon kay Catapang nasa 70 hanggang 80 porsiyento buhat sa mahigit 52,000 na PDLs sa buong bansa ay pawang nakakulong dahil sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Aminado ang BuCor chief na sa kabila ng mahigpit na seguridad na kanilang ipinapatupad patuloy pa rin ang pagpasok ng mga kontrabando katulad ng ilegal na droga, Controlled Precursors and Essential Chemicals (CPECs) at drug paraphernalia sa prison facilities.
Mahalaga aniya ang kolaborasyon sa ibang ahensiya ng gobyerno upang resolbahin ang mga isyu sa paggamit ng droga at trafficking sa BuCor facilities.
Ibinunyag ni Acting New Bilibid Prisons (NBP) Superintendent, CCInsp Roger Boncales na base sa datos ng Bucor mula January hanggang March 2024, umabot sa 711.76 gramo ng shabu at 13.54 gramo ng marijuana ang direktang nakumpiska o narekober mula sa PDLs habang karamihan dito ay abandonadong natagpuan sa loob ng NBP sa kasagsagan ng kanilang serye ng “Oplan Galugad.”
Idinagdag ni Boncales na nakakumpiska rin sila ng kontrabando mula sa mga bisita ng PDLs gaya ng ilegal na droga, cash, sigarilyo, cellphones at SIM cards.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement na pinirmahan BuCor sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, the National Intelligence Coordinating Agency at National Bureau of Investigation, na itatayo ang Operations Center sa loob ng NBP upang mahusay na maghatid ng kanyang mga tungkulin at responsibilidad ng IACG at maayos na pagsasagawa at pagpapatupad ng ng mga probisyon ng R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakatuon ang operation center sa pangangalap ng intelihensiya, pagmomonitor, at pagsasagawa ng aksyon upang pigilan ang drug-related activities sa NBP at ibang prison facilities and penal farms.
Ang ganitong kooperasyon at malapit na koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan ay nasa paggabay ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para labanan ang ilegal na droga sa Bucor at sundin ang mga rekomendasyon ng Kamara at Senado upang rapusin na ang mga ilegal na aktibidad ng droga sa BuCor ayon kay Catapang. (Bhelle Gamboa)