Presyo ng produktong petrolyo muling tataas ngayong linggo
Tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa abiso ng mga kumpanya, madaragdagan ng 95 centavos ang presyo ng kada litro ng diesel.
May dagdag din na 40 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene.
Epektibo ang dagdag presyo Martes (Apr. 15) ng umaga.
Noong nakaraang linggo ay nagpatupad ng malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis. (DDC)