Giraffe sa Zoo sa Montalban pumanaw matapos manganak

Giraffe sa Zoo sa Montalban pumanaw matapos manganak

Isang Giraffe sa Avilon Zoo sa Montalban, Rizal ang pumanaw matapos manganak.

Inanunsyo ng pamunuan ng Zoo ang pagpanaw ng Giraffe na si “Luning” umaga ng Martes (Apr. 16).

“It is with heavy hearts that we announce the passing of one of our beloved animals, our female Rothchild’s Giraffe, Luning. She passed away peacefully this morning after giving birth to her third calf,” ayon sa pahayag ng pamunuan ng Zoo.

Taong 2013 nang dumating sa Avilon Zoo si “Luning” galing sa Cologne Zoo sa Germany kasama ang isa pang Giraffe na si “B’hari”.

Simula noon ay tatlong beses nang nanganak si “Luning”.

Ang unang anak niya ay walang buhay ng lumabas, ang ikalawang anak niya na si “MJ” ay pumanaw makalipas ang isang buwan.

At ngayon sa ikatlong panganganak ni “Luning” ay binawian naman siya ng buhay.

Patuloy namang inaalagaan ang kaniyang ikatlong anak para maging ligtas ito.

Dahil sa nangyari ay sarado muna ngayong araraw (Apr. 16) ang Giraffe enclosure and feeding sa nasabing Zoo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *