3.7 percent inflation rate naitala noong Marso mas mataas kumpara noong Pebrero

3.7 percent inflation rate naitala noong Marso mas mataas kumpara noong Pebrero

Sa ikalawang sunod na buwan muling bumilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 3.7 percent inflation rate noong Marso.

Mas mataas kumpara sa 3.4 percent noong Pebrero.

Sa press briefing, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, pangunahing nag-ambag sa mas mataas na Indlation noong Pebrero ay ang food and non-alcoholic beverages gaya ng vegetables and tubes, karne, cereals at cereals products.

Partikular na tumaas ang presyo ng bigas na nakapagtala ng 24.4 percent inflation rate kumpara sa 23.7 percent noong Pebrero.

Tumaas din ang presyo ng gasolina at diesel noong Marso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *