Lalaking nasita nasira sa checkpoint, nahulihan ng baril sa Taytay, Rizal

Lalaking nasita nasira sa checkpoint, nahulihan ng baril sa Taytay, Rizal

Isang lalaki ang nahulihan ng baril matapos maharang sa checkpoint sa Taytay, Rizal.

Nagkasa ng Mobile Sita ang mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station nang maharang ang isang lalaki na kinilalang si alyas “Joemar”, 28-anyos.

Sa halip na huminto ay umiwas ang suspek dahilan para habulin ito ng mga pulis.

Nakuha sa kaniya ang .380 caliber Pistol kasama ang isang magazine na kargado ng tatlong pirasong bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of ng Revised Penal Code o Resistance and Disobedience to a Person in Authority and their Agents.

Mahaharap din siya sa kasong paglabag sa RA 4136 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *