Singer na si Eric Carmen, pumanaw sa edad na 74
Pumanaw na ang singer/songwriter na si Eric Carmen.
Inanunsyo ito ng kaniyang asawa na si Amy sa pamamagitan ng official website at social media.
Ang 74-anyos na si Carmen ay pimanaw habang natutulog nitong weekend, ayon sa post sa social media.
Si Carmen ang nagpasikat ng kantang “Love is All That Matters”, All By Myself”, “Hungry Eyes” at maraming iba pa.
Una siyang napabilang sa power-pop band na Rasberries at nagsimulang mag-solo noong 1975. (DDC)