Posisyon ni Sen. Nancy Binay kaugnay sa pag-promote ng IV glutathione, sinuportahan ng grupong BAN Toxics

Posisyon ni Sen. Nancy Binay kaugnay sa pag-promote ng IV glutathione, sinuportahan ng grupong BAN Toxics

Suportado ng grupong BAN Toxics ang pahayag ni Senator Nancy Binay kaugnay sa isyu ng glutathione ‘drip anywhere’.

Ayon kay Rey San Juan Executive Director ng BAN Toxics, sinusuportahan nila ang pagpapahayag ng pangampa ni Binay sa posibleng epekto sa kalusugan ng paggamit ng intravenous (IV) glutathione.

Nakababahala ayon kay San Juan ang laganap na promosyon ng skin-lightening products na mismong mga public figures pa at influencers ang nagpapakita sa publiko ng hayag na paggamit nito.

Sinabi ni San Juan na tama si Senator Binay sa pahayag nito na dapat mahalin ng mga Filipino ang tunay na kulay ng ating balat.

Magugunitang naging mainit na isyu ang pagbabahagi ng larawan ni Mariel Padilla habang sumasailalim sa IV therapy sa tanggapan ng kaniyang mister na si Sen. Robin Padilla sa senado.

Ayon sa BAN Toxics, noong Enero, nagpalabas na ng babala ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng IV Glutathione bilang pampaputi ng balat dahil hindi ito aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).

Sinabi ni San Juan na dapat ding maglabas ng paglilinaw ang DOH sa paggamit ng IV Glutathione sa labas ng mga ospital o klinika. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *