Mga kumpanya ng langis magapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo
Magpapatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Mababawasan ng 70 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina habang 95 centavos naman ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Mababawasan din ng P1.10 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ang bawas presyo Martes (Feb. 27) ng umaga. (DDC)