Problema sa mataas na presyo ng bigas nararanasan din sa ibang bansa sa Asya ayon kay Pang. Marcos

Problema sa mataas na presyo ng bigas nararanasan din sa ibang bansa sa Asya ayon kay Pang. Marcos

Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya nararanasan ang pagtaas ng presyo ng bigas.

Ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag bilang reaksyon sa liham na ipinadala sa Office of the President sa pamamagitan ng “Bahay Ugnayan” kung saan itinanong kung ang ibig bang sabihin ng “BBM” ay “Bigas Biglang Mahal”.

Ayon sa pangulo, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay nararanasan din sa ibang mga bansa sa mundo at hindi lamang sa Pilipinas.

“Hindi natin maiwasan na makita, talagang nagiging problema ang pagtaas ng presyo ng bigas dito sa Pilipinas. Pero, kung titignan po natin kahit na ‘yung mga nag e-export na mga bansa ay tumataas din ang presyo nila, halos katumbas lang ng pagtaas dito sa Pilipinas,” ayon sa pangulo.

Ayon sa pangulo may mga ginawa ng pag-aaral sa presyo ng bigas sa bansa para maikumpara ito sa presyuhan sa mga top rice exporting countries gaya ng Viet Nam at Thailand.

At base aniya sa pag-aaral, nakaambag sa pagtaas ng presyo ng bigas ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na gumagawa ng paraan ang gobyerno para matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng bigas sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *