Chinese na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention naharang sa tangkang pag-alis sa bansa

Chinese na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention naharang sa tangkang pag-alis sa bansa

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese National na sangkot sa kidnapping sa tangka nitong pag-alis sa bansa.

Tinangka ng dayuhan na umalis ng Pilipinas habang ito ay may kinakaharap na kaso ng kidnapping sa lalawigan ng Pampanga.

Sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng border control and intelligence unit (BCIU) ng BI ang dayuhan na si Hu Zhen, 25-anyos na aalis sana patungong Singapore.

Nakumpirma ng mga tauhan ng BI na mayroong hold departure order (HDO) na inilabas ang korte sa Angeles City laban kay Hu kaya hindi ito maaaring makalabas ng bansa.

Nahaharap si Hu at tatlo pang Chinese nationals sa kasong kidnapping and serious illegal detention for ransom sa Angeles City RTC Branch 56.

Taong 2020 nang dukutin at ikulong ng apat ang isa pang Chinese national at hiningan ito ng P300,000 para siya ay palayain. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *