Viral audio recording at SMS sa pagtakas ng 3 preso sa detention facility pinabulaanan ng SPD

Viral audio recording at SMS sa pagtakas ng 3 preso sa detention facility pinabulaanan ng SPD

Mariing pinabulaanan ng Southern Police District (SPD) ang nagviral na audio recording at kumakalat na SMS kaugnay ng umano’y pagkakatakas mula sa detention facilities ng tatlong preso na nahaharap sa kasong rape, homicide at murder.

Sa isinagawang imbestigasyon at pag-valite ng impormasyon, kinumpirma ng SPD na walang matibay na ebidensiya o opisyal na rekord na sumusuporta sa napaulat na pagtakas.

Kumalat naman sa mga residente ng Guadalupe at EMBO ang SMS message na lumilitaw na hindi ito beripikadong impormasyon.

Kaagad na inaksyunan ng mga operatiba ng Intelligence Unit kasama ang SOCO Team Makati, Guadalupe Nuevo Sub Station, Bureau of Jail Management and Penology Makati City, at La Paz Custodial Facility.

Nakasaad sa lahat ng report na walang insidente ng prison break at kumpleto ang lahat ng detainees.

Pinaalalahanan ng SPD ang publiko na manatiling mapagmatyag o mapanuri at dumepende lamang sa mga beripikadong impormasyon mula sa mga official sources.

“We understand the concerns raised by the community, and we are committed to ensuring the safety and security of our residents. Rest assured, our officers are actively monitoring the situation, and any updates or developments will be communicated promptly,” ayon sa kalatas ng SPD.

Ipinagpapasalamat ng SPD ang kooperasyon ng komunidad sarespinsableng pagbabahagi ng impormasyon at hinihikayat ang lahat na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng panic o pagkabahala.

Naninindigan ang SPD sa kanyang dedikasyon sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko, magbigay ng tama at napapanahong impormasyon sa mga siniserbisyuhang residente. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *