“No Red Tape”, magandang pamamalakad at tiwala ng taumbayan, sekreto ni Mayor Mea na napabilang sa Top 5 Performing Mayors sa buong Quezon
Pinasalamatan ni Mayor Vincent Arjay Mea ng Tiaong, Quezon ang kanyang mga kababayan sa patuloy na tiwala sa kanya kaya’t naging posible ang lahat ng bagay na napabilang siya sa Top 5 Performing Mayor sa buong lalawigan ng Quezon ayon sa huling survey ng Pulso ng Bayan 2024.
Inihayag ni Mayor Mea na isa rin sa nakitang malaking puntos sa kanyang pamumuno ay ang naipataas nya ang Revenue Collection mula sa mahigit 50 Million na kita ng pamahalaan ng Tiaong ay umakyat ito ngayon sa mahigit 100 Million na.
Ayon sa Alkalde, isa sa mga panuntunan na kanyang ipinapatupad sa nasabing bayan ay mismong siya ay unang sumunod sa pagbabayad ng tamang buwis sa sarili niyang bayan kaya’t naging magandang halimbawa ito sa mga negosyanteng tapat sa kanilang pagbabayad ng mga taxes.
Binigyang-diin ni Mayor Mea na bukas ang kanilang bayan sa mga gustong maglagak ng negosyo at isinisiguro nito na mabilis ang proseso ng mga permits at tahasang sinabi ng alkalde na walang magiging commissioner sa anumang mga transaksyon.
Sinabi ng punong bayan na lahat ng mga bidding ay open ito sa publiko at walang pinapaboran basta’t tama at angkop ang mga papel ay maari itong magkakaroon oportunidad sa kanilang lugar.
Ibinida rin ni Mea na ang Tiaong ay unti-unti ng nakikilala pagdating sa aspeto ng Turismo at malaking pasalamat nya dahil binisita ang kanilang lugar na sikat na celebrity na si Vice Ganda kabilang na dito ang “Tikub Lake” na pinapasyalan na ngayon at ayon sa datos halos umabot na sa 18,000 na mga turista ang dumayo sa kanilang bayan.
Isa rin sa ipinagmamalaki ni Mayor Mea na ang kanilang Convention Centre o Sports Complex ay dito na rin naglalaro ang mga PBA Players kaya’t malaking tulong ito sa kanilang lugar na maari ding makapang hikayat ng mga investors lalo na sa mga restaurants.
Base sa kanilang record ng pamahalaan halos lahat ng nagpapalaki ng tubo sa kanilang revenue collection ay nagmula sa mga restaurants at ganun din sa iba’t-ibang establisyemento.
Isa rin sa malaking bentahe sa kanilang lugar ay ang mga tao na mababait ang mga taga Tioang na bagamat kakaunti lamang ang kanilang pasyalan pero kapag dumayo sila sa Tiaong, Quezon ay tiyak mag-eenjoy sila dito at ligtas sila sa naturang bayan.
Naging inspirasyon naman ng alkalde ang mga senior citizen dahil isa ang kanyang magulang ang patuloy na sumusuporta sa kanyang administrasyon lalo’t higit sa mga proyekto na inilagak sa kanilang bayan.
Dagdag pa ni Mayor Mea na madami pang dapat aabangan sa kanyang pamumuno na lalo pang magniningning ang Bayan ng Tiaong kasama ang suporta ng Sangguniang Bayan at ng kanyang mga nasasakupan. (Ronda Balita Probinsya / JR Narit)