Comelec naglabas ng Withdrawal Form para sa mga bawiin ang kanilang lagda sa petisyon sa People’s Initiative.
Naglabas ng Withdrawal Form ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga indibidwal na nais bawiin ang kanilang paglagda sa petisyon para sa People’s Initiative.
Kasunod ito ng pahayag ni Senator Ronald Dela Rosa sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na may mga indibidwal ang nais na bawiin ang kanilang pagpirma para sa isinusulong na PI.
Inilabas ng Comelec ang form na available na sa mga tanggapan ng Election Officer (EO) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kailangan lamang itong sagutan at pirmahan at isumite din sa tanggapan ng EO.
Ayon sa Comelec, ang withdrawal forms ay para sa recording purposes. (DDC)