DSWD inabutan ng tulong ang pamilya ng mga nasawi sa landslide sa Davao De Oro
Binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang burol ng mga nasawi sa landslide sa Maco, Davao De Oro.
Nagpaabot ng pakikiramay si Gatchalian sa mga naulilang pamilya.
Ibinigay din ni Gatchalian ang cash assistance mula sa DSWD.
Kasama ni Gatchalian sa pagbisita sa mga namatayang pamilya si DSWD Undersecretary for Disaster Response and Management Group (DRMG) Diana Rose Cajipe, DSWD XI – Davao Region Regional Director Vanessa Goc-ong, at Davao de Oro Governor Dorothy Montejo.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurong mabilis na maihahatid ang tulong sa mga disaster-affected families. (DDC)