Halos P200M na halaga ng tulong naipamahagi na ng DSWD sa Davao Region

Halos P200M na halaga ng tulong naipamahagi na ng DSWD sa Davao Region

Umabot naa sa P200 million na halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ng Shear Line sa Davao Region.

Sa pinakahuling datos ng ahensya, nakapamahagi na ng 282,561 na Family Food Packs sa mga naapektuhang pamilya sa rehiyon.

Ang lalawigan ng Davao De Oro ay nakatanggap na ng mahigit 69,000 food packs; halos 130,000 naman ang natanggap na ng Davao del Norte; mahigit 1,000 foof packs sa Davao City; mahigit 93,000 food packs sa Davao Oriental; at halos 2,000 food packs sa Davao Occidental.

Ayon sa DSWD, nagpapatuloy pa ang relief operations ng ahensya sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *