Pagtaas ng insidente ng tobacco smoke exposure sa mga bahay sa Baguio City ikinabahala ng LGU

Pagtaas ng insidente ng tobacco smoke exposure sa mga bahay sa Baguio City ikinabahala ng LGU

Nabahala ang lokal na pamahalaan ng Baguio City sa resulta ng isang pag-aaral kung saan lumitaw na tumataas ang insidente ng tobacco smoke exposure sa mga bahay sa lungsod.

Sa pag-aaral na ginawa noong 2022 hanggang 2023 ng HealthJustice Philippines katuwang ang World Health Organization – Western Pacific Region (WHO-WPR), lumitaw na ang Baguio City ang nanguna sa mga sinuring LGUs kaugnay sa pagsunod sa smoke-free policies.

Nakakuha ang Baguio City ng 67.8 percent na compliance rate, kasunod ang La Trinidad na mayroong 63 percent at ang Buguias na mayroong 61.2 percent.

Ito ay dahil sa epektibong pagpapatupad ng Baguio City LGU ng smoke-free policies sa indoors at outdoors gaya ng mga public parks at iba pang pasyalan.

Gayunman, dahil sa mahigpit na no smoking policy sa mga pampublikong lugar, tumaas naman ang paggamit ng tobacco at ang insidente ng smoke exposure sa mga kabahayan sa lungsod.

Sa parehong pag-aaral, ang second-hand smoke exposure sa mga bahay sa Baguio City ay naitala sa 38 percent.

Nagsasagawa naman na ng pag-aaral ang Smoke-Free Task Force ng Baguio City hinggil sa generational ban policy on tobacco sales na ipinatutupad sa Singapore at New Zealand.

Ito ay para matukoy kung maaari itong ipatupad sa lungsod para masolusyonan ang problema sa second-hand smoking sa private places. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *