King Charles III na-diagnose sa sakit na cancer

King Charles III na-diagnose sa sakit na cancer

Kinumpirma ng Buckingham Palace na mayroong cancer si King Charles III.

Ayon sa inilabas na pahayag, sumailalim sa procedure si King Charles III dahil sa prostate enlargement at sa ginawang diagnostic tests ay nakumpirma na mayroon itong cancer.

Nagsimula ng sumailalim sa regular treatments si King Charles at pinayuhan ito ng kaniyang mga doktor na ipagpaliban mula ang mga public-facing duties.

Maaari naman niyang maipagpatuloy ang kaniyang State business at iba pang official paperwork.

Sinabi sa pahayag na umaasa si King Charles III na muling makababalik sa kaniyang full public duty sa lalong madaling panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *