Mahigit P3B na pondo para sa pagsasaayos ng mga school buildings sa buong bansa, aprubado na ng DBM
Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P3.049 bilyon para sa repair at rehabilitasyon ng mga school buildings sa elementarya at sekondarya sa buong bansa.
Ayon kay Pangandaman, walang ibang hangad ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapaganda ang sektor ng edukasyon sa bansa.
“It has always been our goal to improve the quality of education that we can provide to every Filipino and empower them with the necessary tools to improve his or her quality of life. This coming 2024, we will continue investing in education,” pahayag ni Pangandaman.
Kabuuang P4.911 billion ang inilaang pondo para sa nasabing proyekto. Ang unang bahagi na P1.861 billion ay nauna ng nai-release ng DBM
“An amount of P1.861 billion was initially released from the total authorized appropriations of P4.911 billion, which will be utilized for the rehabilitation, renovation, repair and improvement of kindergarten, elementary, and secondary school buildings following the Repair All Policy, ” pahayag ni Pangabdaman.
Hindi lamang aniya ang sistema ang nais na palakasin ni Pangulong Marcos kundi maging ang education infrastructure.
“Mahigpit na tagubilin po ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyan ng disente at komportableng pasilidad ang mga estudyante upang maayos silang makapag-aral. Sa pagdating ng Bagong Pilipinas, hindi po tayo basta mamimili lang ng mga lugar. Nasa Maynila ka man o sa malayong probinsya, gagawin natin ang lahat upang maisaayos ang lahat education facilities sa bansa,” pahayag ni Pangandaman.
Nabatid na ang SARO na hiningi ng Department of Education ay ipapasa sa Department of Public Works and Highways para sa pag-aayos ng mga school buildings. (Chona Yu)