Negosyanteng si Frederick Go itinalaga ni Pang. Marcos Assistant to the President for Investment and Economic Affairs

Negosyanteng si Frederick Go itinalaga ni Pang. Marcos Assistant to the President for Investment and Economic Affairs

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Frederick Go bilang kalihim ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, kasunod ng pagkakatatag ng tanggapan sa pamamagitan ng Executive Order No. 49.

Bilang pinuno ng tanggapan, tungkulin ni Go na umasiste sa pangulo sa pamamagitan ng pagbibigay relevant at strategic advice sa usapin ng ekonomiya kabilang ang inflation, food security, at tumataas na presyo ng pangunahing bilihin.

Si Go ay magsisilbing Chairperson ng Economic Development Group (EDG) habang ang mga kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF) ay magsisilbi bilang Vice Chairpersons.

Ang bagong likhang tanggapan na pinamumunuan ni Go ang tutukoy sa mga priority programs, activities and projects (PAPs) sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Trabaho din nitong magsagawa ng monitoring, review at pag-aaral sa progreso ng mga priority initiatives at PAPs ng administrasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *