Suplay ng itlog sa bansa sapat ngayong holiday season

Suplay ng itlog sa bansa sapat ngayong holiday season

Sapat ang suplay ng itlog sa bansa ngayong holiday season kung kailan inaasahang tataas ang demand nito.

Sinabi ni Gregorio San Diego, Chairman ng Philippine Egg Board Association, kakayanin ng suplay ng itlog ang inaasahang pagtaas ng demand nito.

Sa ngayon sinabi ni San Diego na ang average na farm gate price ng medium sized na itlog ay P7.20.

Sa merkado umaabot aniya sa P8.50 hanggang P9.50 ang presyo ng medium sized na itlog.

Habang sa mga supermarket umaabot sa mahigit P11 ang presyo ng kada isang itlog.

Kahit tumataas ang presyo, sinabi ni San Diego na ang itlog pa din ang pinakamurang source ng protein. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *