Bilang ng mga lumalabag sa EDSA busway policy patuloy sa pagbaba

Bilang ng mga lumalabag sa EDSA busway policy patuloy sa pagbaba

Nakapagtala ng pagbaba ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bilang ng mga nahuhuling motorista na lumalabag sa EDSA busway policy.

Sa ginawang morning rush hour operations araw ng Lunes, Dec. 4 mula sa bahagi ng Pasay hanggang Cubao in Quezon City, malaki na ang ibinababa ng mga nahuling lumabag kumpara noong mga nagdaang araw ayon kay Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas.

Mula sa dating 60 violators sa kasagsagan ng rush hour sa umaga, sinabi ni Vargas na iilan na lamang ang nahuhuling lumalabag.

Aniya, ito ay marahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng MMDA gayundin ang pagpapairal ng mas mataas na multa sa mga lumalabag.

Hanggang alas 11:00 ng umaga ng Lunes, nakapagtala lamang ng 29 na lumabag, kung saan 26 dito ay motorsiklo.

Samantala, tiniyak ni Vargas na mas paiigtingin pa ng MMDA ang anti-illegal parking operations nito sa Mabuhay Lanes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *