11 pang climbers natagpuang walang buhay matapos ang pagsabog ng bulkan sa Indonesia

11 pang climbers natagpuang walang buhay matapos ang pagsabog ng bulkan sa Indonesia

Natagpuang walang buhay ang 11 climbers matapos ang pagputok ng Marapi volcano sa Indonesia.

Nailigtas aman ang tatlo pang climbers, habang mayroon pang nawawalang 12.

Ayon sa mga otoridad, mayroong naitalang 75 na posibleng naroroon ng mangyari ang pagsabog ng bulkan.

Pansamantala ay inihinto muna ang paghahanap sa mga nawawala para na rin sa kaligtasan ng mga rescuer.

Noong Linggo, Dec. 3 ay nagbuga ng abo ang bulkan.

Hanggang araw ng Lunes ay patuloy na nakapagtatala ng maliliit na pagsabog sa Mt. Marapi.

Nauna ng nailikas ang 49 na climbers kung saan karamihan sa kanila ay ginagamot sa tinamong sunog sa kanilang katawan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *