Las Piñas nagdiriwang ng National Children’s Month
Ang Las Piñas City Government ay kaisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month sa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa espesyal na kaganapan sa na idinaos sa Excelsior Hotel, Barangay Almanza Uno sa lungsod.
Sa mahalagang pagtitipon ay kinilala ang naging tagumpay ng mga kabataan sa pamamagitan ng Most Exemplary Child of the Year award.
Binigyang importansiya ni CSWDO Officer-in-Charge Lowefe Romulo ang pagkilala at pagpapayabong sa talento,mga pinaghirapang mga trabaho at dedikasyon ng kabataang Las Piñeros.
Inihayag din nito ang potensiyal ng kabataan ngayon upang maging mga leader sa hinaharap hindi lamang sa mga tumanggap ng parangal kundi sa diwa ng lahat ng bata sa komunidad.
Ang seremonya ay dinaluhan ni Engineer Leonida Lagrisola, pinuno ng City Planning and Development Office na nagtatampok sa pinagkaisang suporta para sa pagpapaunlad at pagsiguro sa kapakanan ng kabataan.
Aktibong tinututukan ng lokal na pamahalaan ang magagandang programa para sa kabataan tungo sa pagkamit ng kanilang magandang kinabukasan. (Bhelle Gamboa)