2 reticulated pythons na nailigtas sa Sultan Kudarat muling pinakawalan

2 reticulated pythons na nailigtas sa Sultan Kudarat muling pinakawalan

Muling pinakawalan sa wild ang dalawang reticulated pythons na nailigtas ng mga otoridad sa Sultan Kudarat.

Ang dalawang python ay nailigtas kamakailan sa bayan ng Lebak.

Ayon kay Forester Iskak G. Dipatuan, community environment and natural resources officer (CENRO) sa bayan ng Kalamansig, ang 3.26 meters female python ay namataan sa mangrove area sa Barangay Taguisa habang ang 3.31 meters male python ay nakita ng isang mangingisda na sumabit sa kaniyang lambat.

Ayon sa CENRO pawang nasa maayos na kondisyon ang dalawang pythons kaya nagpasya silang ibalik ang mga ito sa kanilang natural habitat. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *