Nawawalang mangingisda sa Pangasinan, nailigtas na

Nawawalang mangingisda sa Pangasinan, nailigtas na

Pinuri ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga Filipino crew na sumagip sa nawawalang mangingisda sa Pangasinan.

Tinulungan ng Filipino master, officers, at crew ng MV DERYOUNG SPACE para mailigtas ang isa sa dalawang nawawalang mangingisdang Pinoy.

Ang general cargo vessel, na mayroong Hong Kong flag, ay patungo ng Subic, Zambales nang makita nila ang palutang-lutang na mangingisda.

Batay sa imbestigasyon, nawala ang dalawang mangingisda noong Nov. 17.

Ito ay makaraang mabigo silang makabalik matapos pumalaot.

Nakadaong na ang general cargo vessel sa Subic Port kasama ang nailigtas na mangingisda.

Samantala, nagpapatuloy naman ang search and rescue (SAR) operations para sa isa pang nawawalang mangingisdang Pinoy. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *