Klase sa Quezon City tuloy sa kabila ng tigil-pasada ng PISTON

Klase sa Quezon City tuloy sa kabila ng tigil-pasada ng PISTON

Hindi magpapatupad ng suspensyon ng klase sa Quezon City sa panahon ng pagpapatupad ng tigil-pasada ng transport group na PISTON.

Sa abiso ng Quezon City LGU, kung ang mga estudyante ay mahihirapan na makapasok dahil sa transport strike sila ay “excused” sa face-to-face classes pero kailangan pa ring magsagawa ng asynchronous classes.

Magkakaloob din ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan sa maapektuhan ng tigil-pasada.

Una ng inanunsyo ng PISTON ang pagpapatupad ng tatlong araw na tigil-pasada na sisimulan araw ng Lunes, Nov. 20.

Ito ay para iprotesta ang nalalapit na deadline para sa PUV modernization sa Dec. 31, 2023. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *