Deployment ban iiral sa Israel sa ilalim ng Alert Level 2

Deployment ban iiral sa Israel sa ilalim ng Alert Level 2

Magpapatupad ng deployment ban ang pamahalaan sa bansang Israel.

Nakataas ang Alert Level 2 sa nasabing bansa bunsod ng pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas.

Ayon kay Philippine Ambassador to Israel PEdro “Junie” Laylo Jr. pansamantalang ititigil ang pagde-deploy ng OFWs sa Israel dahil sa tumataas na tensiyon sa Gaza Strip.
Sinabi ni Laylo na umiiral pa din ang Travel Advisory na nagrerekomendang ipagpaliban ang lahat ng uri ng pagbiyahe patungong Israel.

Ang mga Pinoy naman na nananatili sa nasabing bansa ay pinapayuhang manatili sa loob ng kanilang tahanan.

Maging handa at magkubli sa shelter kapag nakarinig ng alert siren at iwasan ang matataong lugar kapag nasa labas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *