Panahon ng Habagat natapos na ayon sa PAGASA

Panahon ng Habagat natapos na ayon sa PAGASA

Natapos na ang pag-iral ng Southwest Monsoon o Habagat sa bansa.

Ayon sa PAGASA, sa nakalipas na mga araw ay naobserbahan ang tuluyan ng paghina ng Habagat, habang lumalakas naman ang high-pressure system sa East Asia.

Sinabi ng PAGASA na ang bansa ay nasa transition na ngayon patungo sa pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan.

Sa mga susunod na linggo, inaasahang idedeklara na ng PAGASA ang pormal na pag-iral ng Amihan.

Dahil naman sa El NiƱo, sinabi ng PAGASA na maaring makaranas ng below-normal rainfall condition na maaaring magdulot ng tagtuyot sa ilang panig ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *