PM ng Israel nagdeklara ng giyera kontra Hamas
Nagdeklara ng giyera si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Kinumpirma ng army ng nasabing bansa ang pakikipaglaban sa mga militants sa ilang bayan sa Israel at military bases sa Gaza.
Noong Sabado, nagsagawa ng pag-atake ang Palestinian Islamist group na ‘Hamas’ sa Israel na ikinasawi ng 20 katao.
Maliban sa mga nasawi, mayroon pang 250 na katao na nasugatan.
Nagpasya naman ang Israel na gantihan ito kaya tuluyan ng nagdeklara ng giyera si Netanyahu.
Sa Hamas media, inunsyo ng military commander nito na maglulunsad sila ng malaking pag-atake.
Ayon sa Hamas, umabot na sa 5,000 rockets ang kanilang nailunsad.
Dahil sa kaguluhan, ang mga residente sa Gaza ay nagbilihan na ng suplay gaya ng pagkain, at ang iba ay lumikas. (DDC)