Mga petisyon na natanggap ng Comelec kaugnay sa idaraos na BSKE 2023 umabot na sa 168
Umabot na sa mahigit 160 na petisyon ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) na may kaugnayan sa nakatakdang pagdaraos ng Barangay at SK Elections.
Ayon sa Comelec, kabilang sa mga petisyon na inihain sa poll body ay mga Petition to Declare Nuisance Candidate, Petition to Deny Due Course/Cancel COC, Petition to Disqualify, Petition Against Non-Acceptance of COC, Non-Compliant Submissions at Petition for Accreditation as Citizens’ Arm for the BSKE.
Sa 168 na kabuuang bilang ng mga naihaing petisyon sa Comelec, 91 dito ang docketed na.
Pinakamaraming naihaing petisyon ay may kaugnayan sa kahilingan na pagkansela sa inihaing COC. (DDC)