Peace Covenant inilunsad ng PNP sa Tayabas City para sa BSKE 2023 elections

Peace Covenant inilunsad ng PNP sa Tayabas City para sa BSKE 2023 elections

Isang paglalatag ng pormal na paglagda ng Peace Covenant para sa SAFE, payapa, patas, at malayang BSKE 2023 sa Silungang Bayan ng Tayabas City ang tagumpay na idinaos kalakip ang aktibong pakikiisa at suporta na ginawa ni 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗟𝗲𝗱𝗼𝗻 𝗗 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗲.

Ang makahulugang paglagda sa panata ng bawat kandidato ay parte ng seremonya kung saan mula sa Sangguniang Barangay ang unang dinaos at nasundan ng mga kabataan lider upang kanilang ipahayag ang pakikilahok sa pagsiguro ng malaya at patas na halalan.

Dumalo rin si City Mayor, Maria Lourdes Reynoso-Pontioso at Mrs. Rhodora R. Gonzales, Election Officer 1 Tayabas City, mga security forces mula sa Philippine Army, local unit, at ahensiya o sektor komunidad.

Ang gawain naman ay isang senyales ng pagbibigay importansya at tanda sa bawat kandidato at ahensiyang responsable para bantayan at maging parte ng maunlad, ligtas, patas, at payapang pamayanan sa darating na BSKE 2023.

Dagdag pa ni Monte, na iisa ang lahing taglay, yun ay maging Pilipino na may iisang bandilang nakaatang. Sinabi rin nito na katagang dapat gamitin sa iisang layunin upang magtulungan sa pagkamit ng SAFE na magdudulot ng bagong bukas sa kawalang bahid ng krimen o banta dahil sa mapagpalayang hangarin sa maunlad na bansa kaisa ang hanay ng PNP Quezon. (JR Narit)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *