Bagyong Goring humina pa; signal number 1 nakataas pa rin sa maraming lugar sa Luzon

Bagyong Goring humina pa; signal number 1 nakataas pa rin sa maraming lugar sa Luzon

Patuloy sa paghina ang bagyong Goring habang nasa Philippine Sea.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 245 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 155 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong North Northeast.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– Babuyan Islands
– northern and eastern portions of mainland Cagayan (Camalaniugan, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, PeƱablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala)
– eastern portion of Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan)
– northern and central portions of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Dipaculao, Maria Aurora, San Luis)
– Polillo Islands
– northern and eastern portions of Camarines Norte (Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes) including Calaguas Islands
– northeastern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan)
– northern portion of Catanduanes (Panganiban, Caramoran, Viga, Bagamanoc, Pandan)

Ayon sa PAGASA, magpapaulan pa rin ang bagyo ngayong araw sa Cagayan, Batanes, Babuyan Islands, Apayao, at Ilocos Norte.

Ang Habagat naman na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot din ng occasional o monsoon rains sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes (Aug. 31) ng umaga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *