Gun ban nagsimula ng umiral ngayong araw (Aug. 28)
Kasabay ng pormal na pag-uumpisa ng election period, iiral na rin ang gun ban simula ngayong araw, Aug. 28.
Ayon sa Commission on Elections sa ilalim ng pagpapatupad ng gun ban, bawal ang pagdadala, pagbiyahe ng mga baril at iba pang deadly weapons.
Tatagal ang gun ban hanggang sa Nov. 29, 2023.
Iniutos na din ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino, Commissioner-in-Charge ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns, simula 12:01 ng madaling araw ay dapat may nailagay ng checkpoints ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG). (DDC)