Teacher at Parents Group nanawagan na gawin na ang turnover ng EMBO Schools sa Taguig

Teacher at Parents Group nanawagan na gawin na ang turnover ng EMBO Schools sa Taguig

Para sa kapakanan ng mga estudyante ay ipinanawagan ang pagkakaroon ng agaran at maayos na turnover ng mga public at private schools ng Makati City patungo sa Taguig bilang pagtalima sa kautusan ng Korte Suprema.

Sa inilabas na pahayag ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC), kinilala nito ang final ruling ng SC kasabay ng panawagan ng maayos na transisyon.

Nanawagan si Benjo Basas, Presidente ng TDC ng smooth transition para matuldukan na ang Taguig- Makati dispute at mabigyang prayoridad ang kapakanan ng mga mag-aaral.

Sa hiwalay namang pahayag, sinabi ni Fort Bonifacio High School Faculty Club President Noel Meneses na umaasa syang maibabalik agad sa normal ang school operations sa mga apektadong paaralan.

Sa panig ng mga magulang, sinabi ni Parents Teachers Association (PTA) Federation President Willy Rodriguez na payag ang mga magulang na mailipat na ang kanilang mga anak sa pangagasiwa ng Taguig LGU.

Mas mabuti aniyang gawin na ang proper turnover upang hindi na magkaroon ng kalituhan o anumang tensyon.

Una nang sinabi ng mga school principals ng 14 EMBO schools na wala silang nakikitang problema sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *