CAAP nagpalabas ng NOTAM kaugnay ng gagawing satellite launch ng North Korea

CAAP nagpalabas ng NOTAM kaugnay ng gagawing satellite launch ng North Korea

Nagpalabas ng notice to airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay sa isasagawang satellite launch ng North Korea.

Ayon sa CAAP, ang NOTAM ay naging epektibo 7:45 ng umaga ng August 24 at tatagal hanggang 8:25 ng umaga ng September 1.

Sa inilabas na NOTAM ng CAAP binigyan ng abiso ang mga piloto sa oras ng inaasahang pagsasagawa ng satellite launching ng NoKor.

Nagbigay din ng alternatibo ang CAAP para sa aircraft navigation upang maiwasan ang ilang lugar na maaaring maapektuhan ng aktbidad ng NoKor.

Una ng iniulat ng military ng South Korea na inaasahan ang pagpapakawala ng space rocket ng North Korea. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *