Diskwento sa mga senior citizen at PWDs sa online purchase, mandatory ayon sa BIR

Diskwento sa mga senior citizen at PWDs sa online purchase, mandatory ayon sa BIR

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mandatory dapat ang pagbibigay ng diskwento sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa kanilang online purchases.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., dapat kilalanin ng mga online platforms ang pagbibigay ng mandatory discounts sa mga senior citizen at PWDs.

Ipinaliwanag din ni Lumagui na hindi kailangan ng pirma ng mga SC o PWD kapag sila ay bumibili online o sa pamamagitan ng online mobile application.

Ang tanging kailangang i-provide ay ang senior citizen ID Card Number o PWD ID Card Number. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *